Bahay sa Cotabato City nasunog sa kasagsagan ng ulan

Nasunog ang isang bahay sa Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City, sa likuran ng isa sa mga malalalaking shopping mall sa lungsod, sa kasagsagan ng ulan nitong hapon ng Linggo, Sept. 1, 2024.

Sa inisyal na tantya ng barangay officials at mga imbestigador ng Bureau of Fire Protection, hindi bababa sa P800,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy sa naganap na sunog na maagap namang na-respondehan ng mga kasapi ng BFP-Cotabato City. (Sept. 2, 2024, handout BFP photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *