Ama napatay sariling anak sa saksak sa Maguindanao del Norte

Isang etnikong Teduray, si Julito Calumpang Julio, ang nakapatay ng kanyang ng anak, si Nigie Manggalion Julio, gamit ang mahaba at matalas na kutsilyo sa isang seaside area sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Martes, September 24, 2024.

Ayon sa mga opisyal ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office, nag-iinuman ang mag-ama ng maganap ang insidente sa kanilang bakuran mismo sa Barangay Kusiong, isang coastal area sa naturang bayan.

Ayon sa kanilang mga kamag-anak, nagkasagutan si Julio at ang anak ng nagpaalam itong gagamitin ang isang damit ng ama para maisuot na kanyang tinanggihan.

Doon na nagsimula ang pagtatalo ng dalawa at nauwi na sa pananaksak ni Julio sa kanyang anak na pumanaw sa isang hospital kung saan ito isinugod para malapatan sana ng lunas. (Sept. 26, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *