Aksidente sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

Nagtamo ng mga maselang sugat at mga pasa sa katawan ang tatlong tao sanhi ng banggaan ng isang mini dump truck at isang Toyota Hilux pick-up truck sa isang bahagi ng highway sa Barangay Bitu sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong umaga ng Miyerkules, December 18, 2024.

Galing ang mini dump truck sa sentro ng Datu Odin Sinsuat, habang galing naman ng Cotabato City, ang kabisera ng Bangsamoro region, ang pick-up truck ng magkabanggaan sa Barangay Bitu.

Gumulong at lumagpak ng patagilid ang mini dump truck sa lakas ng salpukan ng banggaan nito at ng kasalubong na pick-up truck. (December 18, 2024, handout Facebook photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *