Patay sa mga saksak ang isang 11-anyos na bata, si Asrap Ayob, at sugatan naman ang kanyang kapatid na babae, si Bai, 14-anyos, ng pagsasaksakin ng tatay nilang si Adjis Sanday Ayob habang natutulog sa kanilang tahanan sa Magsaysay sa Parang, Maguindanao del Norte.Ang Parang ay isang bayan na madalas na laman ng mga balita sa radyo at mga peryodiko dahil sa paulit-ulit na mga nagananap na mga madugong krimen sa mga barangay nito na halos lahat ay walang kalutasan.Kinumpirma ng hepe ng Parang Municipal Police Station, si Lt. Christopher Cabugwang, na agad namang na-aresto ang suspect, posibleng addict sa shabu, ngayong nakakulong na sa kanilang detention facility.Sa inisyal na pahayag ni Ayob sa mga imbestigador ng lokal na pulisya, biglang nawala daw siya sa kanyang sarili at nagdilim ang paningin, kumuha ng kutsilyo, at pinagsasaksak ang dalawang mga anak na natutulog sa sahig ng kanilang tahanan.Ayon sa mga kakilala, lulong sa nakakalasing na inumin at shabu si Ayob. (May 13, 2024)
2 batang magkapatid pinagsasaksak ng tatay

