Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang residente ng Barangay Panubigan sa Zamboanga City, pansamantalang kinilala lang ng mga kapitbahay na Rey, biktima ng pamaril nitong gabi ng Linggo, April 21, 2024.Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Office at ng mga barangay officials, naglalakad si Ray Tallo, 30 anyos, sa isang lugar sa Sitio Mala sa Barangay Panubigan ng lapitan ng mga armado at agad na pinababaril sa ulo na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. Ayon sa mga barangay officials sa Panubigan, mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa biktima. Natagpuan ng nga kasapi ng Zamboanga City Police Precinct 2, na nag-responde sa insidente, sa tabi ng bangkay ni Tallo ang kanyang sling bag na may lamang cellphone at shabu na sa kanilang tantya ay hindi bababa sa P6,800 ang halaga.Matagal ng pinagdududahan ng mga residente ng Barangay Panubigan na dealer ng shabu ang napaslang na si Tallo. (April 22, 2024)
Residente ng Zamboanga City nabaril, patay

