Dalawang mga dealers ng shabu na nagbebenta ng kanilang illegal na epektos malapit sa mga paaralan ang naaresto ng mg pulis sa isang entrapment operation nitong Biyernes sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes, April 19, 2024.Kinilala ng mga barangay officials ang mga suspects na sina Born Salik Mangacop, 40-anyos, at ang kasabwat na babaeng si Koraima Maliga, 55-anyos, na ayon sa kanila ay nalambat ng mga pulis na pinamunuan ng kanilang municipal police chief na si Lt. Col. Esmael Madin.Sa ulat nitong Lunes ng umaga, kinumpirma ni Madin na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspects na agad na inaresto matapos magbenta ng P5,508 na halaga ng shabu sa kanilang mga hindi unipormadong operatiba sa isang entrapment operation sa Sitio Torres sa Barangay Limbo.Ayon kay Madin, naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng ibat-ibang mga units ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at mga impormante, ilan sa kanila mga traditional Moro leaders na sumusuporta sa anti-narcotics campaign ng Sultan Kudarat MPS. (April 22, 2024)
Shabu dealers na-entrap sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

