Mahigit 1,000 na mga residente ng mga probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa Bangsamoro region ang sumanib sa regional political party na Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo (SIAP) sa isang seremonyang idinaos sa poblacion ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Huwebes, April 18, 2024.Magkatuwang na pinangunahan ang naturang okasyon ni Vice Gov. Mohammad Khalid Rakiin Adiong ng Lanao del Sur, ni Mayor Dimnatang Pansar ng Butig na siya ring presidente ng league of mayor sa naturang probinsya, at ng mga miyembro ng angkan ng Sinsuat na siyang ruling clan sa Datu Odin Sinsuat.Si Vice Gov. Adiong ang siyang presidente ng SIAP na naglalayong mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga mga negosyante sa mga barangay sa pamamagitan ng mga proyektong naglalayong i-ugnay sila sa mga negosyante o mga investors mula sa labas na maaring maglagay ng mga business projects sa kani-kanilang mga lugar.Una ng sumanib sa SIAP ang 16,204 na mga residente, karamihan mga traditional community leaders, ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, ayon sa mga ulat ng ibat-ibang mga himpilan ng radyo sa Cotabato City ang mga kalapit na probinsya nitong Sabado, April 20, 2024. Nagpasalamat si Adiong sa mga leaders ng pamilyang Sinsuat sa kanilang pagtanggap sa delegado ng SIAP mula sa Lanao del Sur at sa kanilang pagsuporta sa pag-organisa ng dayalogo sa maraming residente ng mga probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte na sumanib sa partido sa isang seremonyang isinagawa nitong Huwebes sa bayan ng Datu Odin Sinsuat. (April 20, 2024)
Mga Maguindanaon sumanib sa SIAP regional party

