Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang 500 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa apat na dealers na na-entrap sa Barangay Poblacion 2 sa Cotabato City nitong Huwebes, April 18, 2024.Nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM ang mga shabu dealers na sina Sampulna Amboto Mague at kanyang asawang si Noraida at ang kanilang mga tauhan na sina Tammy Sulaiman Mague at Amram Abdullah Enga.Sila ay agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga PDEA-BARMM agents na kanilang nabentahan ng P3.4 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa kanto ng Suraik Macmud Street at Almonte Extension sa Barangay Poblacion 2, Cotabato City.Nailatag ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto ng apat na suspects sa tulong ng mga unist na sakop ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.Si Mague ay kilalang “bigtime” shabu dealer na may mga kasabwat sa ilang mga bayan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. (April 19, 2024)
P3.4 million na halaga ng shabu nasamsam sa Cotabato City

