Nangikil diumano na police highway patrol member, timbog

Na entrap ng mga kasapi ng Integrity Monitoring and Enforcement Group-Philippine National Police ang isang kapwa pulis sa Regional Highway Patrol Group-Bangsamoro Autonomous Region na nangikil diumano ng P50,000 sa isang may kotseng mali ang pagkalagay ng license plate.Na-entrap nitong gabi ng Byernes, April 12, 2024, ng mga operatiba ng IMEG si Police Master Sergeant Nasrolla Gani, isa sa limang mga kasapi diumano ng RHPU-BAR na target ng naturang operasyon na pinamunuan ni Police Lt. Col. Aldrin Abila, acting chief ng IMEG Mindanao Field Unit.Agad na inaresto ng mga operatiba ng IMEG si Gani ng tumanggap ng pera sa naturang entrapment operation na ikinasa batay sa reklamo ng kanila diumanong ginipit na may ari ng kotseng Honda Civic na may mali sa pagkakalagay ng license plate.Isang kasama ng extortion suspect na si Gani na hindi naman target ng naturang entrapment operation, si Police Executive Master Sergeant Benigno Mercado, hindi kasali sa mga ni-reklamong nangikil, ang injured ng siya ay tumalon sa hagdan ng kanilang tanggapan sa PC Hill sa Cotabato City ng napunang may mga taga IMEG na nagsagawa ng entrapment doon mismo, kung saan nakumpiska din ang mga service firearms ng naarestong extortion suspect. (April 13, 2024)