Sentensyado sa krimen na dapat kulong, dealer ng shabu?

Nasampahan na ng kaukulang mga kaso ang dalawang shabu dealer, isa sa kanila preso sa isang penal colony, na nakunan ng P6.8 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Talisayan sa Zamboanga City nitong Martes, April 9, 2024.Sa pahayag nitong Huwebes ng regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency-9, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nakakulong ng sina Albadir Mala Ajijul, 28-anyos at ang kanyang 42-anyos na kasabwat na si Kerwin Mohammad Abdila.Si Ajijul ay taga Isabela City, Basilan habang si Abdillah naman ay isang person deprived of liberty, nahatulang guilty sa isang krimen ng isang korte, na dapat sana ay nakapiit sa San Ramon Penal Colony sa Zamboanga City, ngayon inaalam na kung paano nakalabas doon at nasangkot sa malakihang pagbebenta ng shabu.Agad na inaresto ang dalawa ng mga agents ng PDEA-9 matapos magbenta sa kanila ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa Barangay Talisayan sa Zamboanga City nitong umaga ng Martes sa isang entrapment operation na suportado ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9.Gagamiting ebidensya ng PDEA-9 laban kina Ajijul at Abdila ang shabu na nasamsam mula kanila sa gagawing paglilitis sa kanila korte. (APRIL 11, 2024)