LGUs, mining company magkatuwang na nag-ayuda sa El-Niño victims

Mahigit P1 million na halaga ng relief supplies ang magkatuwang na ipinamahagi kamakalawa ng dalawang provincial governments, ng isang grupo ng mga magsasaka at pribadong kumpanya sa mga pamilyang nawalan ng kita sanhi ng tagtuyot na dulot ng El-Niño phenomenon. Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Korondal City nitong Miyerkules, idinaan ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) ang 12 toneladang bigas, canned goods, at instant noodles sa mga tanggapan nila Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu sa bayan ng Isulan at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. sa Koronadal City at sa Federation of Irrigators Association sa Matanao, Davao del Sur na agad namang naipamahagi sa mga benepisyaryo.Ang SMI ay kontratado ng Malacañang na mamahala ng operasyon, simula 2025, ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga ancestral lands ng mga Blaan sa Tampakan sa South Cotabato.Pinasalamatan nitong Miyerkules ni Rolly Doane Aquino, tagapamahala ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang SMI sa ayudang inilaan nito para sa mga residente ng probinsya na natuyo ang mga sakahan sanhi ng kawalan ng ulan mula pa nitong unang bahagi ng 2024.Ayon kay Aquino, marami pang magagawang humanitarian missions ang South Cotabato provincial government at ang SMI ngayon na may matibay na corporate social responsibility tie-up na ito sa tanggapan ng gobernador ng probinsya. (May 29, 2024)