Nasamsam ng mga hindi unipormadong mga pulis ang P13.9 million worth na shabu sa tatlong dealers na mula pa sa malalayong lugar, na-entrap nitong nitong Martes ng umaga sa Barangay Balogo sa Pigcawayan sa probinsya ng Cotabato.Sa ulat nitong tanghali ng Martes ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, hindi na pumalag ang 36-anyos na babaeng si Marhaya Aziz Abdullah at sina Kadapi Karim Jaca, 45-anyos, at Ridzmer Nasher Abdulkara, 38, ng arestuhin ng mga magkasanib na mga operatiba ng PRO-12 at ng Police Drug Enforcement Agency Group-12 matapos silang bentahan ng 2.1 kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P13.9 million.Na-entrap ang tatlong shabu dealers sa loob ng Room 3 ng Red High Heel Hotel sa Barangay Balogo sa Pigcawayan, mga 14 oras na biyahe mula sa Zamboanga City kung saan sila nagmula.Maliban sa shabu na nagkakahalaga ng P13.9 million, nakumpiska din ng mga magkasanib na mga operatiba ng PRO-12 at PDEG-12 ang isang 9 millimeter Glock 17 pistol ng isa sa kanila at ang kanilang puting Toyota Fortuner na kanilang ginamit sa pagdala ng illegal na droga mula pa sa Zamboanga City.Ayon kay Placer, si Abdullah at Jaca ay mga residente ng Zamboanga City sa Region 9 habang si Abdulkara naman at taga Barangay Suba-Suba sa bayan ng Pandami sa Sulu, isa sa anim na probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (May 28, 2024)
