Aksidente sa Zamboanga City, 2 patay

Patay on the spot ang motoristang si Arnel Deluna at pumanaw naman ang kasamang si Alemar Baricuatro habang binibyahe ng mga emergency responders patungo sa isang hospital matapos nilang mabundol ang isang konkretong poste ng kuryente sa gilid ng Calle Pila sa Ayala Zone 8 sa Zamboanga City nitong gabi ng Linggo, July 28, 2024.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, mga taga Pagadian City na kabisera ng Zamboanga del Sur sina Deluna at Baricuatro at parehong mga empleyado ng isang sardines canning factory sa Zamboanga City. (July 29, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *