UPDATE: Isa sa 2 babaeng tinamaan ng kidlat, patay

Patay on the spot ang isang motoristang babae na si Yvonhy E. Magalso habang malubha naman ang kanyang kapwa babaeng kasama ng sila ay masapol ng kidlat bandang 3:30 p.m. nitong Linggo, July 28, 2024, habang hinintay nilang tumila ang ulan sa isang waiting shed sa gilid ng highway sa Barangay Kayaga sa Pandag, Maguindanao del Sur.

Patungo sana silang dalawa sa Tacurong City, Sultan Kudarat mula sa bayan ng Carmen sa probinsya ng Cotabato, magka-angkas sa isang motorsiklong Suzuki Raider 150, ng abutan ng ulan kaya sila tumigil at nagpasilong sa isang roadside waiting shed at, habang nandoon, ay nasapol ng kidlat.

Agad na nasawi si Magalso sa naturang insidente, ayon sa mga hiwalay na mga ulat ni Lt. Ernesto Rivera, hepe ng Pandag Municipal Police Station, at ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Agad namang isinugod sa hospital ang kasama ni Magalso ng mga kasapi ng Pandag police force at ng mga barangay officials sa Kayaga upang malapatan ng lunas. (July 29, 2024, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *