
Mahigit 700 na mga mag-aaral, marami sa kanila mga etnikong Blaan, sa tatlong paaralan sa Columbio, Sultan Kudarat ang tumanggap ng mga school supplies, school bags at iba pang mga gamit sa pagtutulungan ng kanilang local officials at ng isang pribadong kumpanya na may mga multi-million corporate social responsibility projects sa naturang bayan.
Kinumpirma nitong Martes ni Lady Bai Mangudadatu, projects monitoring officer ng local government unit ng Columbio, at ng mga principal ng naturang tatlong mga elementary schools ang pagkakatanggap ng mga mag-aaral ng naturang ayuda mula sa Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, sa mga serye ng outreach missions ng kumpanya at mga municipal officials nitong nakalipas na dalawang linggo.
Sa tala ng mga opisyales ng district office ng Department of Education-12 sa naturang bayan, 155 na mag-aaral sa Polomolok Elementary School, 245 sa Elbebe Elementary School at 50 naman sa Kafingol Elementary School ang tumanggap ng ayuda na pinamigay ng SMI sa isang humanitarian mission katuwang ang mga local officials, kabilang sa kanila si Vice Mayor Bai Naila Mangelen Mamalinta.
Isang teacher sa Kafingol Elementary School, si Hagg Taguan, at si Mangudadatu ay hiwalay na nagpasalamat sa SMI sa pamimigay ng ayuda para sa mga mga mag-aaral sa Columbio na ang mga magulang, karamihan, ay kumikita lang sa pagsasaka na hindi sapat para sa kanila-kanilang mga gastusin araw-araw. (September 17, 2024)