3 nasaktan sa aksidente sa Maguindanao del Norte

Tatlong nakisakay lang, upang makalibre ng pamasahe, sa isang light truck na pauwi na sana sa Barangay Nalkan sa Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte mula sa Cotabato City ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ng bumulusok ito sa malalim na gilid highway sa naturang bayan nitong Sabado, December 21, 2024.

Sa ulat ng Datu Blah Sinsuat Municipal Police Station nitong Linggo, naganap ang aksidente sa isang bahagi ng highway sa Barangay Pura sa Datu Blah Sinsuat ng mawalan ng control ang driver ng light truck dahil nagloko ang preno nito. (December 22, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *