
Patay ang tatlong menor-de-edad habang malubha naman ang dalawang iba pa ng tamaan ng kidlat habang nangunguha ng bunga ng saging habang umaambon sa isang sakahan sa Purok 6 sa Barangay Damit sa Bayog, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes.
Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Sabado, kinumpirma mismo ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection-9 at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office ang pagkasawi ng tatlong mga menor-de-edad na nadeklarang dead-on arrival sa isang pagamutan kung saan sila dinala mga kasapi ng BFP sa Bayog Fire Station upang malapatan sana ng lunas.
Dalawang mga kasama ng tatlong mga nasawi na mga kabataan na nagtamo ng mga paso at sugat sa kanilang mga katawan ang ginagagamot na sa isang hospital, ayon sa ulat ng Bayog Municipal Police Station.
Ayon sa mga magulang ng mga biktima, sila ay nagpumilit na manguha ng saging sa isang sakahan, na pinayagan naman ng may-ari, upang maibenta sa palengke para kumita ng pera para sa kanilang mga pangangailangan para sa kanilang school intramurals sa susunod na linggo. (October 19, 2024, handout photo, BFP-9)