2 patay sa malagim na Bukidnon highway accident

Dalawa ang patay habang limang iba pa ang sugatan ng nga masapol ng isang truck ang isang L300 van at isang motorsiklo at sabay na bumulusok sa malalim na gilid ng highway sa Barangay Palacapao sa bayan ng Quezon sa Bukidnon nitong Lunes, January 6, 2025.

Kinumpirma nitong Martes ng mga opisyal ng Quezon Municipal Police Station at ng Bukidnon Provincial Police Office ang pagkasawi sa naturang aksidente ni Mohammad Exan Bola, 53-anyos, na taga Marawi City sa Lanao del Sur, at ng 26-anyos na ni Jayser Pendorat Butil, residente ng Barangay Kalilangan sa Pantar, Lanao del Norte.

Limang iba pa ang naisugod sa pagamutan, ayon sa mga barangay officials at mga kasapi ng Quezon municipal police na nagresponde sa insidente.

Nawalan diumano ng control ang driver ng freezer-type light truck ng mawalan ito ng preno habang pababa na sa isang mataas na bahagi highway kaya nito inararo ang isang motorsiklo at L-300 van na nasa unahan nito at sabay na bumulusok sa bangin.

Isa sa mga biktima ng aksidente ang natanggal ang kanang braso at tumilapon sa malayo. (January 7, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *