2 menor-de-edad patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur

Dalawang magkakapatid, sina Johari Moksin at Hamod Moksin, parehong menor-de-edad, ang agad na namatay ng ratratin ang mga baril ang kanilang sasakyan ng dalawang lalaki sa isang bahagi ng highway sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Huwebes, November 14, 2024.

Ayon sa mga saksi, walang awang pinaputukan ng mga salarin ang kotseng sinasakyan ng dalawa, may plakang XPT 967, sa presensya ng maraming mga saksi.

Inaantabayanan pa ang ulat ng Shariff Aguak Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office hinggil sa insidente. (Nov. 15, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *