Naagap na nasalba ng mga kasapi ng Philippine Coast Guard ang 19 na mga tripulante ng lumang M/V Ciara Joie 1 na muntik ng malunod sa habang nakahimpil, naka-angkla sa karagatang malapit sa Rio Hondo, Zamboanga City nitong Biyernes, July 12, 2024, dahil sa malalaking alon sanhi ng malakas na hangin kasabay ng matinding ulan sa kapaligiran.
Tumagilid ang naturang barko, bumibiyahe ng rutang Basilan-Zamboanga, Zamboanga-Basilan, at pinasok na ng tubig kaya nagsagawa agad ng rescue operation ang mga tropa ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City at nadala sa ligtas na lugar ang 19 na tripulante at kapitan nito. (July 13, 2024)