1 patay, 1 malubha sa pagkakakuryente sa Zamboanga City

Isa ang patay habang isa naman ang nagtamo ng mga paso sa katawan ng makuryente habang inaayos ang mga kawad na nakakabit sa isang electric water pump sa Barangay Lower Mangoso sa Zamboanga City nitong Huwebes, September 28, 2023.

Sa hiwalay na pahayag nitong Biyernes ng Zamboanga City Police Station 1 at ng mga kawani ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office nitong Byernes, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Reymart Boracho kung saan siya isinugod ng mga barangay emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

Ginagamot na ang kasama ni Boracho na si Noel Retiza na nagtamo ng mga paso at nagkasugat-sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan sanhi ng pagkakakuryente.

Ayon sa mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at mga barangay officials sa Lower Mangoso, magkatuwang na inaayos ng dalawa ang mga kawad ng kuryenteng nakakabit sa electric water pump sa loob ng bakuran nila Retiza ng naganap ang insidente.

Una diumanong nahawakan ni Boracho ang isang linyang talup na at walang insulator kaya siya biglang nabuwal at nangisay.

Nakuryente din si Retiza ng tangkain niyang hablutin sa kamay ni Boracho ang livewire na kamkam nito, ayon sa lokal na pulisya. (Sept. 29, 2023, John Unson)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *