Nagsagawa kamakalawa ng inisyal na relief mission para sa mga binaha na mga residente ng Pagalungan, Maguindanao del Sur ang mga kawani ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Monera Sinolinding, Jr., isang doctor of medicine na nanilbilhan halos dalawang dekada na ang nakalipas bilang municipal health officer ng naturang bayan.
Namigay ng arroz caldo, bottled water iba pang mga relief supplies ang mga kawani ng tanggapan ni Parliament Member Sinolinding sa Bangsamoro Transition Authority sa mga binaha na mga residente ng Pagalungan nitong Lunes, July 15.
Si Parliament Member Sinolinding, maliban sa pagiging kasapi ng Bangsamoro parliament na may 80 na mga miyembro, ay siyang health minister ng rehiyon sa kasalukuyan.
May hiwalay na relief missions din ang Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa mga binaha na residente ng Pagalungan at Montawal sa Maguindanao del Sur, at sa ilang mga karatig na barangay na kabilang sa 63 barangays na sakop ng Special Geographic Area-BARMM na nasa loob ng teritoryo ng Cotabato province. (July 17, 2024)