๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ผ๐˜†๐—ณ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ, ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ

Ang nasawing dalagita na si alias Kris ay taga Garcica sa bayan ng Makilala sa probinsya ng Cotabato.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Kidapawan City at mga karatig na bayan nitong Miyerkules, dumugo ang maselang pribadong bahagi ng kanyang katawan matapos makipagkita sa boyfriend sa Purok Narra, Barangay Malasila.

Isinugod ang dalagita ng kanyang kasintahang si Jomar sa pagamutan at doon na ito namatay dahil diumano sa massive bleeding.

Agad namang naikustodiya ng Makilala Municipal Police Station si Jomar.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Police Corporal Jephony Bargamento, sinabi nito na wala naman ibang injury sa katawan ang biktima maliban sa posibleng sugat diumano sa kanyang ari.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may dapat bang pananagutan sa insidente si Jomar. (July 17, 2024)

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *