
Kinumpirma ng Philippine National Police nitong Miyerkules na patay na si Elliot Eastman, isang US citizen, nakidnap noong October 17, 2024, sa Sibuco, Zamboanga del Norte, habang nasa lugar ng kanyang misis na Pilipina sa naturang bayan.
Mismong isa sa mga arestadong kidnapper at mga residente ng Sibuco ang nagkumpirma sa mga opisyal ng Police Regional Office 9, na sakop ang Zamboanga del Norte, na itinapon sa dagat si Eastman ng mga dumukot sa kanya na noon at may mga tama ng bala dahil unang nanlaban ng siya ay sapilitang tinangay ng mga kidnappers.
Kinumpirma ni Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng PRO-9, na may sapat na salaysay ang ilang mga witnesses hinggil sa sinapit ni Eastman sa kamay ng mga dumukot sa kanya. (Dec. 6, 2024)