UPDATE sa aksidente sa Lanao del Sur

Ang pulang Toyota Hi-Lux pick-up truck na bumulusok sa isang malalim na gilid ng Secretary Ramos Highway, may tulay sa ibabaw, sa Barangay Igabay sa Balabagan, Lanao del Sur ay sasakyang pag-aari ni Basilan Second District Provincial Board Member Monsoy Aramil.

Naganap ang aksidente nitong umaga ng Sabado, September 28, 2024. Si Basilan Provincial Board Member Aramil at mga kasama ay patungo sana ng Cotabato City mula sa Zamboanga City ng maaksidente.

Siya at ang apat niyang mga kasama, kabilang na ang kanilang driver, ay masuwerteng nakaligtas ng walang mga injuries na matindi, ayon sa inisyal na pahayag ng Balabagan Municipal Police Station. (September 28, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *