UPDATE: 5 sugatan sa ambush sa Cotabato City

Lima ang sugatan sa ambush na target ang isang barangay chairman sa isang mataong bahagi ng Mabini Street sa Barangay Bagua 3, Cotabato City sa Bangsamoro region nitong gabi ng Biyernes, June 7, 2024.

Sakay sina Edris Ayunan Pasawiran, chairman ng Barangay Kalanganan 2, Cotabato City ng isang Toyota Grandea van ng paputukan ng mga armado na mabilis na nakatakas.

Nakaligtas si Pasawiran sa naturang ambush.

Kinumpirma nitong umaga ng Sabado ni Col. Querubin Manalang, Jr., Cotabato City police director, na lima ang sugatan sa naturang ambush, dalawa sa kanila malubha.

Ayon kay Manalang, apat sa mga sugatang kasama ni Pasawiran ay isinugod sa Cotabato Regional Medical Center upang magamot, habang ang isa naman ay nilalapatan ng ng lunas sa Cotabato Sanitarium Hospital sa hindi kalayuang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Natagpuang abandonado ng mga pulis na nagresponde sa insidente sa Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City ang sasakyan ng mga responsable sa ambush, isang Suzuki minivan.

May natagpuang isang .45 caliber pistol sa loob ng naturang sasakyan na diumano may mga patak pa ng dugo sa loob. (June 8, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *