
Agad na namatay ang isang 22-anyos na babae ng makuryente habang nangunguha ng manga sa isang mataas na puno sa Barangay Libertad sa Butuan City nitong tanghali ng Sabado, November 2, 2024.
Sa ulat ng Butuan City Police Office nitong Linggo, sinikap pang isalba ng mga emergency responders na mga pulis at mga kasapi ng Bureau of Fire Protection si Mary Joy Atibago, ngunit sila ay nabigo.
Ayon sa mga imbestigador ng Butuan police force, inakyat ni Atibago ang isang mataas na puno ng mangga sa isang bakuran sa Palacat Village sa Barangay Libertad upang manguha ng bunga ng masagi ng kanyang gamit na pangsungkit na stainless steel rod na may maliit na kalawit sa dulo ang isang high tension power line sa ibabaw nito.
Sumabit sa malalaking sanga ng puno ng mangga ng makuryente si Atibago na maagap namang naibaba ng mga rescuers na mga pulis at BFP personnel at mga kawani ng Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office na nagtulungan din sa pagdala ng kanyang mga labi sa isang punerarya. — NOVEMBER 3, 2023, HANDOUT FACEBOOK IMAGE