Truck driver patay, helper malubha sa aksidente sa Makilala, Cotabato

Patay sa pagkaipit ang driver habang malubha naman ang kanyang helper ng gumulong at lumagpak ng patagilid ang kanilang dalang 10-wheeler van-type hauler truck sa hangganan ng Malasila at Barangay Poblacion sa Makilala sa probinsya ng Cotabato nitong madaling araw ng Miyerkules, August 7, 2024.

Sa inisyal na ulat ng Makilala Municipal Police Station, mula sa Panacan, Davao City ang naturang truck, may plakang LAK 8924, may kargang bigas na ihahatid sana sa Cotabato City.

Maagap namang naka-responde sa insidente ang mga kasapi ng lokal na pulisya at mga kawani ng Makilala Municipal Police Station at naisugod agad sa pagamutan ang helper ng truck na nagtamo ng mga sugat at mga pasa sa katawan. (August 7, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *