Trailer truck gumulong, tumihaya sa gilid ng highway

Naisugod sa pagamutan ang driver at pahinante ng isang prime mover truck na may hatak na mahabang trailer na gumulong at lumagpak ng patihaya sa gilid ng isang uphill stretch ng Kidapawan-Davao Highway sa Barangay Malasila sa bayan ng Makilala sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Lunes, July 22, 2024.

Galing sa Davao City ang trailer truck na may lulang dalawang 20-footer container van na may lamang energy drink na ihahatid sana sa mga negosyante sa ilang mga bayan sa Central Mindanao.

Ang lugar kung saan naganap ang aksidente at kilalang accident prone area kung saan napakarami ng vehicular accidents, may mga nasawi pa, ang nangyari, batay sa tala ng pulisya at ng Makilala local government unit.

Inaantabayanan pa ang ulat ng Makilala Municipal Police Station hinggil sa insidente. (July 22, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *