Tatlong drug den operators sa Dipolog City arestado

Arestado ang tatlong drug den operators, nakunan pa ng P68,000 na halaga ng shabu, sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 sa Barangay Gulayon sa Dipolog City nitong gabi ng Miyerkules, August 14, 2024.

Sa pahayag nitong biyernes ng Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, nasa kustodiya na nila ang drug den operators na sina Rey Vincent Panoril Tacoda, Russel Velarde Mentolaroc at Killton Damme Campomanes, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad silang inaresto ng mga agents ng PDEA-9 at mga operatiba ng Dipolog City Police Station na kanilang nabentahan ng P68,000 na halaga ng shabu sa entrapment operation na isinagawa mismo sa kanilang drug den sa Barangay Gulayan, dinadayo ng mga addict sa shabu na nakatira sa kapaligiran at mula sa karatig na mga barangay.

Ayon kay PDEA=9 Director Gadaoni-Tosoc, nasa kustodiya na nila ang mga arestadong drug den operators na sina Tacoda, Mentolaroc at Campomanes. (August 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *