Tatlo timbog sa shabu

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P344,000 na halaga ng shabu sa tatlong mga dealers na kanilang nalambat sa Barangay Poblacion sa Aurora, Zamboanga del Sur nitong gabi ng Miyerkules, August 14, 2024

Kinumpirma nitong Biyernes ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-9, na nahaharap na ang tatlong arestadong mga suspects, sina Felipe Sotto Suarez, Edmar Navarro Cortes at Alberto Kaamiño Lagumbay, sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sila ay agad na inaresto matapos magbenta ng P344,000 na halaga ng shabu sa mga magkasanib na agents ng PDEA-9 at mga kasapi ng ibat-ibang unit ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office sa isang entrapment operation bandang 6:00 p.m. nitong Miyerkules sa Purok Doña Aurora sa Barangay Poblacion sa bayan ng Aurora.

Nasa kustodiya na ng PDEA-9 sina Suarez, Cortes at Lagumbay, ayon kay PDEA-9 Director Gadaoni-Tosoc. (August 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *