Tatay na pulis, nabaril sariling anak, patay

Patay ang isang 8 taong gulang na batang lalaki nang aksidenteng mabaril ng sariling ama sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Sa nakuhang impormasyon, kinilala ang suspek na pulis na si Dan Ryan na sumasailalim sa masusing imbestigasyon ng MPD-Homicide Section.

Sa ulat ng Asuncion Police Community Precinct na sakop ng MPD-Moriones Police Station 2, nangyari ang insidente alas 6 ng gabi nang makarinig ng putok ng baril ang ilang miyembro ng pamilya na noo’y nasa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Ayon pa sa impormasyon, nanonood lamang ng telebisyon ang bata nang aksidenteng mabaril ng kanyang ama.

Agad na naisugod ang biktima ng kanyang lola sa Mary Johnston Hospital ngunit idineklarang patay pasado alas 7 ng gabi.

Source: Remate Online, Nov. 22, 2024, Jocelyn Tabangcura-Domenden

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *