
MANILA, Philippines (REMATE ONLINE, SEPT 23, 2024) — MATAPOS magpatupad ng ilang linggong oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa, magpapatupad naman sila ng dagdag presyo sa ilang mga produktong petrolyo epektibo bukas ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.10 sa kada litro ng gasolina, at P0.20 sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.
May oil price hike din sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.
Ang ipapatupad na dagdag presyo sa produktong gasolina at diesel ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.
SOURCE: REMATE ONLINE, SEPT. 23, 2024, JAY REYES