Muling pumasa sa international standards ISO 14001:2015 ang isang kumpanyang kontratado ng Malacañang na mamahala simula 2025 ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga lugar na sakop ng tribong Blaan sa Tampakan, South Cotabato at tatlo pang mga bayan sa paligid nito.
Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Linggo, June 30, 2024, nag-rekomenda na ang mga kawani ng TÜV Nord Philippines Incorporated sa TÜV Nord Group, matapos ang kanilang inspection, na bigyan na ng kaukulang compliance certificate and Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, kaugnay ng pagsunod nito sa standard for environmental management systems na isa sa mga pinapatupad ng ibat-ibang mga international safety regulation groups at mga pamahalaan ng ibat-ibang bansa.
Ang international na TÜV Nord Group ay isa sa mga malalaking organisasyon na sumusuri at nagbibigay ng kaukulang compliance certificate sa mga industriya sa ibat-ibang mga bansa na napatunayang sumusunod sa mga international environmental management regulations.
Ang SMI, kontratado ng Malacañanang, may pagsang-ayon mula sa mga Blaan tribal councils at sa National Commission on Indigenous Peoples, na mamahala ng Tampakan Copper-Gold Project, ay nagkamit na ng ISO 14001:2015 compliance certificate noong 2017, 2020 at 2003 sa kabila ng hindi pa ito nakakapag-simula ng mining operations sa Tampakan, mga 16 kilometro lang ang layo mula sa Koronadal City, ang kabisera ng South Cotabato.
Ilang mga opisyal ng Regional Development Council 12, kabilang ang chairperson nitong si Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza, ang nagpahayag ng kagalakan sa pagkakapasa ng SMI sa panibagong pagsusuri ng TÜV Nord Philippines Incorporated sa pagsunod nito sa mga international environmental management regulations. (JUNE 30, 2024)