
Nakumpiska ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 million na halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat sa Barangay Bacayawan sa Malabang, Lanao del Sur nitong Huwebes, August 21, 2024.
Sa pahayag nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag pa si Amenola Sabdullah, 40-anyos, ng dakmain ng kanilang mga operatiba at mga pulis matapos silang bentahan ng kalahating kilo ng shabu sa isang lugar sa Barangay Bacayawan sa bayan ng Malabang.
Ayon kay Castro, suportado ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. at ng ibat-ibang units ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto kay Sabdullah at pagkakumpiska sa kanya ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million.
Nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM si Sabdullah at nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Castro. (August 22, 2024)