Security guard nagbaril ng sarili, patay

Agad na namatay ang security guard na si Jerome Dumayug Dumanggad, 33-anyos, na binaril ang sarili habang on-duty sa campus ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology sa Rio Hondo sa Zamboanga City madaling araw nitong Biyernes, July 26, 2024.

Sa salaysay ng mga kasama sa mga pulis na nag-responde sa insidente, may matinding problema sa pamilya si Dumanggad ng maganap ang kanyang pagpakamatay gamit ang kanyang service firearm, at nag video pa ito ng kung paano itinutok sa sentido ang naturang 9 millimeter pistol bago kinalabit.

Si Dumanggad ay miyembro ng Golden Sun Security Agency na kontratado ng administrasyon ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology na mag-guwardiya sa campus nito. (July 26, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *