Isang sasakyang pandagat na jungkong ang tawag ang nagliyab at natupok habang nasa karagatang malapit sa Isabela City sa Basilan nitong gabi ng Martes, August 6, 2024.
Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard sa Isabela City, tatlong tripulante ng naturang sasakyang pandagat ay nagtamo ng mga sunog sa kanilang mga braso at mga binti. Nasa ligtas na silang kalagayan.
Ang pagkasunog ng naturang jungkong ay sanhi ng mechanical trouble diumano.
Maagap namang na-rescue ng mga kasapi ng Philippine Coast Guard at mga kawani ng Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga sakay ng nasunog na sasakyang pandagat. (August 7, 2024)