Mahaba ang naging talakayan ng mga municipal police chiefs sa Maguindanao del Sur hinggil sa religious at cultural sensitivity sa isang seminar nito lang July 6, 2024, sa tanggapan ng Maguindanao del Sur PPO sa bayan ng Shariff Aguak.
Ang naturang aktibidad ay magkatuwang na inorganisa ni Lt. Col. Badrudin Esmael ng Sallam Police Center Eastern Mindanao at ni Col. Roel Sermese, Maguindanao provincial police director, at suportado din ng ng isang kilalang Islamic missionary na si Sheik Marjan Kudanding.
Tinalakay sa naturang workshop ang mga mahahalagang usapin hinggil sa religious at cultural sensitivity kaugnay ng pagpapatupad ng batas at ibat-ibang mga community relations activities ng mga municipal police stations sa probinsya.
Ang Sallam Police Center Eastern Mindanao ay may mga programang naglalayong mapalawak pa ang kaalaman ng mga pulis hinggil sa religious at cultural sensitivity kaugnay ng layunin nito na mas mapalakas pa ang religious at cultural solidarity ng mga Muslim, mga Kristiyano at mga indigenous people sa mga lugar na sakop nito. (June 8, 2024