
Isang opisyal ng Philippine Army na maraming napasukong mga kasapi ng teroristang grupong New People’s Army noong siya ay commanding officer pa ng 39th Infantry Battalion na naka-base sa Makilala, Cotabato ang namatay sa kalagitnaan ng kanyang pag-jogging.
Si Lt. Col. Ezra Balagtey, mula sa indigenous community sa Baguio, ay naka-assign sa Western Mindanao Command sa Davao City.
Sa opinion ng mga manggagamot, posible diumanong nag-cardiac arrest si Lt. Col. Balagtey habang tumatakbo kaya tuluyan ng nalagutan ng hininga at pumanaw.
Nagpahayag ng simpatya sa pamilya ni Balagtey ang maraming mga local executives sa Cotabato province, kabilang sa kanila si Gov. Emmylou Taliño-Mendoza at Congresswoman Samantha Santos na kanyang naging katuwang sa mga peacebuilding projects sa maraming mga barangay sa bayan ng Makilala na deklarang “NPA free” na, o wala ng presensya ng NPA. (September 29, 2024)