Residente ng Zamboanga City patay, kuya sugatan sa pamamaril

Kasalukuyang hinahanap pa ng mga pulis ang nakapatay ng isang residente ng Zamboanga City at nakasugat ng kuya nito sa pamamaril ng kanilang isang malapit na kamag-anak nitong gabi ng Biyernes, August 9, 2024.

Naganap ang insidente sa Calle Santo Niño sa Zone 7 sa Barangay Ayala, Zamboanga City nitong gabi ng Sabado.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Office nitong Linggo, may mga hindi pagkakaunawaan ang napaslang na si Jaime Velez, 35-anyos, at ang kanyang 42-anyos na kuya na nasugatan sa insidente, si Jimboy Velez, at ng namaril sa kanila na si Jayson Velez.

Ayon sa mga imbestigador, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang magkapatid at kanilang pinsan na si Jayson, tinatayang hindi bababa sa 40-anyos ang edad, bago umalingawngaw mula kanilang kinaroroonan ng mga putok na nagsanhi ng kaguluhan sa mga taong nasa kapaligiran.

Mabilis na nakatakas si Jayson, hinahanap na ng mga kasapi ng ibat-ibang mga unit ng Zamboanga CPO at Police Regional Office-9. (August 11, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *