ZAMBOANGA CITY (April 13, 2026) — Bumisita sa Basilan si Zamboanga City Councilor District 2 Hon. Frederick Atilano upang personal na magpasalamat sa mga opisyal ng lalawigan dahil sa kanilang tulong at kooperasyon sa isang matagumpay na operasyon.
Isa sa dalawang suspek na sangkot sa insidente ng robbery at pamamaril ay naaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad matapos ang isinagawang operasyon sa Lantawan, Basilan.
Ang matagumpay na pagkakadakip ay naging posible dahil sa pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang law enforcement units at suporta ng mga lokal na opisyal, kabilang ang Vice Mayor ng Lantawan na si Omaer Abubakar.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga opisyal sa tuloy-tuloy na suporta ni Mayor Khymer Adan Olaso, na malaking tulong sa maayos na koordinasyon at mabilis na aksyon ng operasyon.
Pinuri naman ng mga kinauukulan ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan na nagresulta sa agarang pagkakadakip ng suspek at sa patuloy na pagpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (Regino Delos Santos, April 13, 2026)

