Pulis binaril, namaril sugatan sa ganti ng putok

Sugatan ang isang kasapi ng Traffic Enforcement Unit ng Cotabato City Police Office na si Ersad Ampatuan ng barilin habang naka-motorsiklo ng isang salarin na sakay din ng motorsiklo bandang 6:00 p.m. nitong Biyernes, August 16, 2024, sa mataong bahagi ng Sinsuat Avenue sa sentro ng Cotabato City

Unang pinapatukan ng isang motorista si Ampatuan, ngunit ito at nakaganti at parehong nabuwal ang kanilang mga motorsiklo sa gitna ng kalye. Nasugatan ang salarin sa kanilang palitan ng putok.

Nagdulot ng panic sa publiko ang mga putok na umalingawgaw sa kapaligiran.

Nang-agaw ng isang pampasaherong motorsiklong nakaparada lang sa gilid ng kalye ang bumaril kay Ampatuan at nakatakas patungo sa lumang riverside pier ng Cotabato City, hinahanap pa ng mga pulis. (August 17, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *