
Isang police intelligence agent na kabilang sa municipal police force ng Lambayong sa probinsya ng Sultan Kudarat sa Region ang kumpirmadong nawala noong pang November 26 at wala ng contact sa kanyang mga kasama at pamilya mula ng nakumpirmang na-missing na mula noon.
Sa mga hiwalay na mga ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12 nitong Lunes, kasalukuyang hinahanap pa ng mga kapwa pulis at local executives sa Lambayong at sa iba pang mga bayan sa Sultan Kudarat ang missing na si Master Sgt. Eduardo L. Ea, Jr., kilalang masigasig na intelligence operative.
Ayon sa mga opisyal ng Lambayong Municipal Police Station, may malalimang anti-crime at anti-terror intelligence missions ang hindi unipormadong si Ea ng mawala nitong November 26, ang huling araw na nakapadala siya ng mga text messages sa mga kapamilya, mga kaibigan at ilang mga kapwa pulis.
Ayon sa mga opisyal ng PRO-12, nagtutulungan ang kanilang mga intelligence units sa rehiyon at sa probinsya ng Sultan Kudarat sa paghanap kay Ea, huling nakita sa Lambayong na sakay ng motorsiklo, patungo sa kung saan, bago naiulat na nawawala na. (December 3, 2024)