Pick-up truck gumulong, bumagsak sa isang pool sa Zamboanga City

Masuwerteng bahagya lang na nasaktan ang anim na sakay ng isang pick-up truck, kabilang ang driver nito, na gumulong at lumagpak ng patihaya sa gilid ang isang pool malapit sa entrance ng isang memorial park sa Barangay Sinunuc sa Zamboanga City nitong madaling araw ng Sabado, August 24, 2024.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng pick-up truck bago ito bumaliktad, nagawi sa isang decorative pool at lumagpak ng patihaya.

May theorya ang mga barangay officials ng Sinunuc na posibleng lasing ang driver ng pick-up truck ng maganap ang aksidente.
(August 24, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *