Pamilya ng nalunod sa baha, may ayuda mula sa Maguindanao del Sur governor’s office

Nagpaabot ng ayuda kamakalawa ang tanggapan ni Gov. Mariam Sangki Mangudadatu sa pamilya ng nasawi na si Alimudin Manampan na nalunod sa rumaragasang baha na tumama sa Barangay Damalasak sa bayan ng Pagalungan nito lang nakalipas na linggo.

Mismong si Ameer Jehad Ambolodto, tagapamahala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang siyang nag-hatid sa pamilya ng biktima ng cash assistance mula sa Maguindanao del Sur provincial government.

Daan-daang mga residente ng magkatabing mga bayan ng Pagalungan at Montawal sa Maguindanao del Sur ang apektado ng pagbaha sanhi ng malakas na ulan sa kapaligiran. (July 19, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *