Padre-de-pamilya, patay sa ambush

Isang Moro na ama ng tahanan ang napatay sa ambush sa Upi sa Maguindanao del Norte nitong hapon ng Lunes, April 13.

Sa ulat nitong Martes ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ng Upi Municipal Police Station, sakay ng kanyang motorsiklo si Panun Mundas ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa kanya na nagsanhi sa kanyang agarang pagkamatay.

Si Mundas ay nadeklarang dead on arrival ng mga doctor sa Datu Blah Sinsuat District Hospital sa Upi, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte, kung saan siya isinugod ng mga barangay officials upang malapatan sana lunas.

Ayon sa mga local executives sa Upi, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Mundas.

Makikita sa larawan ang fatal ambush victim na si Mundas. (April 14, 2026, Upi, Maguindanao del Norte)