Nakasamsam ng abot sa P836,000 na halaga ng shabu ang ibat-ibang mga unit ng regional police sa Caraga at sa Region 9 sa mga hiwalay na operasyon nitong Sabado, September 30, 2023, na nagresulta din sa pagkakahuli ng walong mga drug dealers.Unang nakakumpiska nitong Biyernes ng P408,000 na halaga ng shabu ang mga anti-narcotics agent ng Police Regional Office-13, na sakop ang Caraga Region sa Mindanao, mula sa isang drug trafficker na na-entrap sa Barangay Imadejas sa Butuan City.Bagamat hindi na kinilala ng PRO-13 ang suspect sa inisyal na ulat nitong Lunes, kinumpirma naman ng police director ng rehiyon, si Brig, Gen. John Kraft, na nasa kustodiya na nila ito, sinasabing residente ng Barangay Villa Kananga, Butuan City.Ayon kay Kraft ang entrapment operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng naturang suspect ay magkatuwang na isinagawa ng mga kasapi ng Butuan City Police Station, ng mga operatiba ng PRO-13 at mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency-13.Arestado naman ang walong mga drug dealers sa mga anti-narcotics operation ng ibat-ibang mga unit ng Police Regional Office-9 nitong Sabado, ayon sa ulat ng PRO-9 headquarters sa Zamboanga City.Nakakumpiska ang mga kasapi ng PRO-9 at ibat-ibang mga police stations sa Zamboanga peninsula ng abot sa P428,000 na halaga ng shabu sa naturang mga operasyon.Ayon kay Major Sheillamie Chang, officer-in-charge ng information office ng PRO-9, isa sa walong mga na-aresto sa naturang mga operasyon ay drug dealer sa bayan ng Kabasalan sa Zamboanga Sibugay na nakunan ng abot sa P340,000 na halaga ng shabu at ibat-ibang gamit nito sa pagbebenta ng shabu, kabilang na ang mga electronic na mga timbangan. (OCTOBER 2, 2023, JOHN UNSON, IN COTABATO CITY)