P680k halaga ng shabu nasamsam sa dalawang babae sa Zamboanga City

Nakumpiska ng mga operatiba ng Police Regional Office-9 ang P680,000 na halaga ng shabu sa dalawang mga babaeng nalambat sa Barangay Sinunuc sa Zamboanga City nitong Martes.

Ayon kay Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng PRO-9, hindi na pumalag pa ang dalawang babaeng shabu dealers ng arestuhin ng mga pulis na kanilang nabentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Sitio Pitugo sa Barangay Sinunuc.

Naikasa ang naturang entrapment operation batay sa mga ulat ng kanilang kakilala na alam ang kanilang illegal na gawain, ayon kay Masauding.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act and dalawang suspects, nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Office. (July 24, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *