Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 ang P6.8 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na na-entrap sa Barangay Poblacion sa Ipil, Zamboanga Sibugay madaling araw nitong Miyerkules, July 10, 2024.
Sa ulat ni Maharani Gadaoni Tosoc, director ng PDEA-9, nasa kustodiya na nila sina Ibnorasa Hasim Sarapudin, 24-anyos, at ang 21-anyos na si Raden Ladhud Dammang, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi na pumalag ang dalawa ng arestuhin ng mga hindi unipormadong PDEA-9 agents na kanilang nabentahan ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, pasado 1:00 a.m. nitong Miyerkules sa Purok Masigla sa Barangay Poblacion Ipil.
Ayon kay Tosoc, naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakumpiska ng P6.8 million na halaga ng shabu mula sa dalawa sa tulong kanilang mga lakilala na alam ang kanilang illegal na gawain. (July 10, 2024)