P500,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Zamboanga City

Sa kulungan ang bagsak ng isang 23-anyos na lalaki na nakunan ng P544,000 na halaga ng shabu ng mga hindi unipormadong mga pulis sa isang entrapment operation na Barangay Kasanyangan sa Zamboanga City nitong gabi ng Miyerkules, August 14, 2024.

Sa ulat ni Brig. Gen, Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang suspect ay na-entrap ng kanilang mga operatiba sa Sitio Asinan sa Barangay Kasanyangan sa isang entrapment operation na suportado ng mga barangay officials at ng administrasyon ni Zamboanga City Mayor John Dalipe.

Hindi na pumalag pa ang suspect ng arestuhin matapos niyang bentahan ng P544,000 na halaga ng shabu ang mga kasapi ng Zamboanga City Police Office na nagsagawa ng naturang entrapment operation, ayon kay Masauding.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect, ngayon nasa kustodita na ng Zamboanga City Police Office. (August 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *